namimiss ko na ang luv ko. hindi lang dahil sa malayo sya, namimiss ko sya dahil parang mas malayo pa sya kaysa sa mga milya sa pagitan namin.
hindi ko na sya nakakakwentuhan. marami akong gustong ikwento sa kanya - mga highlights ng linggo ko na maaring wala lang din kakwenta kwenta. ni hindi na kami nakakapag-usap ng mga bagay na tungkol sa kahit ano lang na maisip. hindi ko naman na sya para pasabayin pa sa tulog ko dahil nga kelangan nya na nagpapahinga agad.
maaaring busy lang sya masyado nitong mga nakaraang linggo. kaya kahit wala akong ginagawa, nagpapakabusy na lang din kunwari ako.
nalungkot ako na hindi nya ko nabati, kahit isa man lang sa tatlong araw nung ika-apat na buwan namin. naisip ko na sya pa naman ang may sabi na gusto nyang pinaghahandaan ang ganun...pero ok lang masaya na ako sa nabasa ko.
alam kong napapansin nya ang mga kakaibang kinikilos ko, pero hindi ko naman masabi. sabi ko kasi sa kanya dati ayokong maging demanding na girlfriend. inaantay ko lang siguro na maglambing sya, pero mukhang wala kasi sa ugali nya yun. o maaring hindi lang din ako sanay sa kung pano nya pinapakita. madalas kasi syang indifferent sa mga bagay bagay.
naalala ko dati, nasabi ko sa sarili ko na gusto kong makilala tong tao na to. hindi ko alam kung matutuwa ako kasi hanggang ngayon yun pa rin ang sinasabi ko, o malulungkot ako kasi hanggang ngayon hindi ko pa ganun kakilala ung mahal ko.
"excited ka ba sa future mo?"
"bakit?"
"ako kasi excited na"
"bakit naman?"
"kasi parang magiging maganda..." *
*ang weird ko daw sabi ng kaibigan ko nung nasabi ko ito.
No comments:
Post a Comment