Wednesday, February 20, 2008

andre adik

nalulungkot
hindi ko alam kung ano ung pinakadahilan
pero nalulungkot ako
tingin ko eh nalulungkot ako dahil
nakikita kong nalulungkot ang mahal ko
dahil sa pinapalungkot siya ng dati niyang mahal
hindi ko alam kung tama bang malungkot ako
mas malungkot pa ata ako kay hugo ngayon

desaturated
parang nawawalan ng kulay ang mundo ko
wala akong kagana ganang kumain
tinatamad akong magtrabaho
parang ayaw kong bumangon tuwing umaga
para akong na Shift+Ctrl+U sa photoshop

valley of chrome
kung ako ang nasa posisyon ng mahal ko
ganito ang kanta ko ngayon
You are a beautiful walking mistake
And from you I have learned
how could someone so true be so fake?
Now you’re none of my concern
the art of letting go-valley of chrome
yan ang stat message ko sa ym
kung ako ang nasa posisyon ng mahal ko
kilala nmin ni omeng ang bassist ng bandang yan
astig yan

ubos na ang luha
ayaw kong malulungkot yung mahal ko
ayaw kong makita uli siyang umiyak
ako kasi eh may mantra
ang luha ay para sa mga importanteng tao lang
ganyan dapat palagi
hindi na dapat iyakan ang mga walang kwentang tao
ang makulit nito
naiiyak ako habang nagttype
nasa opisina pa naman ako

masaya o malungkot?
mukha lang akong ganito
pero masaya pa rin ako
nasa punto lang ata ako na napapaisip
kasi tingin ko eh
mahal pa ng mahal ko ang dati niyang mahal
at sa unang pagkakataon eh mukhang nagseselos ako
o adik lang talaga ako
adik nga siguro
adik na lang nga
andre adik

pasensiya
ayaw kong nalulungkot ang mahal ko
kaya titigil na ako sa pag-iisip nito
ayaw ko lang isipin niya na
baka sumusuko na ako sa kanya
hindi yata
nalulungkot lang ako ngayon
kasi wala siya dito eh
theme song ko ngayon ang lightyears ng eheads
tas bwiset pa ung dati niyang mahal
tawagin na lang natin siya sa pangalan na rodel
rodel naval
ambading kasi niya
teka patay na pala yun
hmmm
ok lang yan

wishlist
magkakatotoo ang mga hiniling ko nung kaarawan ko
sigurado yan


No comments: