Thursday, February 21, 2008

frogs and prince

natatawa si jack sa tuwing nagkukuwento ako. tingin ko ay ramdam nya na masaya ako habang naiisip ko ang mga kwentong yun. palagay ko natatawa sya sa pagbili ko ng mga photo frames, at sa pagiikot ko sa mall para lang makahanap ng ireregalo. natatawa rin sya sa mga binili ko, at sa pagpupuyat ko para lang magprint ng isang pares ng litrato at gumawa ng napakaikling sulat.

natatawa siguro sya sa nakikita nya.

hindi kasi sila sanay na ganito ako. mula kasi nung dumating ako nung isang taon, napaka astig ng maskara ko sa kanila, ayokong nagpapakita sa kanila na malambot ako at iyakin lalo na pagdating sa mga love stories. sinasabi ko dati na "overrated ang love", "niloloko ka lang nyan", "sa umpisa lang yan, wakana masyado umasa". nasanay sila sa kai na matigas ang ulo at puso, na parang susugod ng away basta may inapi sa kanila.

para silang nakakita ng maton na naging bading.

sa totoo lang natatawa rin ako sa sarili ko sa mga pinagagawa ko. pero masaya ako, yun ang importante dun. at tingin ko masaya rin sila para saken. muntik ko na kasi malimutan ang pakiramdam na to, buti na lng...

No comments: